“Krrrinkring!!!kring!!!” Inabot ko ang akingm ga kamay para hanapin ang maingay na alarm clock. Bumangon ako, matapos sulyapan ang orasan. Alas singo-kwarenta y singo palang ng umaga, pero kailangan ko nang maligo at mag-handa dahil balik ekwela na naman. Ngayongaraw na ito nataposang aming Chistmas break and it’s a new year, and a new life..Hilia ko ang aking puting tuwalya na naka-hanger sa pintuan ng aking tokador at pumasok sa banyo…
excited akong pumasok ngayon, kasi bagon taon na naman…at mag-sasabay kami ng bestfriend kong si Bryle, by the way, he’s my childhood,neighborhood bestfriend. Ka-schoolmate ko siya, pero mas matanda siya sa akin ng two years, nasa first year college na siya at ako naman ay graduating ng highschool. I’m lucky na kaibigan ko siya dahil siya lang naman ang campus hearthrob ng aming University. He’s a vocalist of the school’s oficial band, sikatang friend ko na yan kaya nga pati outside sa school ay nai-invite ang banda niya na mag-play, o di ba bonnga ko?! I’m telling you about my bestfriend cause he happens to be the lve of my life, but unfortunately he doesn’t know. I’m afraid to tell him kasi, marami na kaming friends na naging mag-on pero in the end naging enemies na sila. I don’t want to risk my friendship with him noh, at tsaka kung kami kami talaga. Hindi ako nag-mamadali, pero kung hindi rin lang siya ang makakatuluyan ko, eh di nalang ako mag-hahanap ng ibang love interest noh..Well, so much about him, i’m Anne i’m 16 going on seventeen. I’m a volleyball vasity player, hindi sa pag-mamayabang.
“Beep, beep!” Gosh, si Bryle na sigurado ang nag-bubusina. Minadali ko ang pagpa-pasok ng mga gamit ko at tumakbo pababa, nagpaalam sa parents ko’t dalawang kapatid at tumakbo ulit palabas. Humihigal ako ng huminto ako sa gilid ng sasakyan ni Bryle at madaling pumasok sa loob at na-upo sa frontseat. Nginitian ko siya at gumanti naman siya ng ngiti.
“Hindi ko naman sinabi sa iyong tumakbo ka. Hindi naman ako masyadong nag-mamadali dahil first day palang ng school.” sabi niya na hindi maalis ang nakakalokong ngiti salabi nito. Kung ibang babae na siguro siya at nginitian ni Bryle ng ganoon, sigurado hihimatayin na. Sumimangot kuno ako, para kunwari di ko gusto ang sinabi niya.
“hindi ka pa rin nag-babago kahit bagong taon na, mahilig ka pa ring mag-papansin sa mga kilos ko. Ano ngayon kung tumakbo ako, kung ikaw hindi nag-mamadali, ako excited ng makarating sa school noh!” sabi ko at lumabi.
Ngumiti naman lalo si Bryle, gosh…ako na siguro ang pinaka-masayang babae sa buong mundo. Minsang-minsan lang kasi kung ngumiti ng ganoon sa kanya si Bryle at swerte na kung makita mo itong naka-ngiti pag-maraming tao.
“At alam mo, hindi ka pa rin nag-babago, lagi ka namang excited pumunta sa aschool para makipag-tsismisan sa mga kaibigan mong pulos madaldal, hindi nauubusan ng kwento.” pang-aasar nito. Hinarap ko siya ng naka-pamewang…
“Hah, aba! at sinong nag-sabi sa’yo na dahil sa mga kaibigan ko lang ako excited makipag-kita? For your info, excited din ako kasi makikita ko na naman ang ultimate crush ko na si Tyron noh! kaya pwede ba, umalis na tayo.” ganti ko sa kanya. Biglang nawala ang ngiti nito, at hindi na ito nag-salita. Tiningnan ko siya pero hindi na siya muling tumingin pa sa akin, weird bakit kaya? hindi ko nalang pinansin at tahimik kaming dalawa sa biyahe. Malapit lang naman ng school namin, mga 20-25 minutes lang ang biyahe.
“Anne!” napalingon ako, pagka-baba ko palang ng kotse ni Bryle, there they are, my girlfriends…Nagpa-alam ako kay Bryle pero hindi siya tumugon at again binalewala ko nalang ang tinuran niyang iyon, siguro may tuyo na naman ang ulo.
“Hello, guys!!! Happy New year sa inyo.” pina-sigla kong bati kina Lexie at Rhena.
“O bakit para yatang wala sa modang prince charming mo?” pabulong na pang-aasar ni Lexie. Kinurot ko siya at hinila palayo.
“Lexie, marinig kaya tayo?! Ikaw talaga kahit kailan…” reklamo ko sa kanya. Nagtawa naman si Rhena.
“Bakit kasi ang manhid ng bestfriend mo na yun eh, napaka-obvious mo naman…” sabi nito.
“hindi niya aakalain na nag-papacute ako sa kanya at iisipin na gusto ko siya, dahil ang alam niya hindi ko siya type at kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.” Kimi akong ngumiti sa kanila at nag-lakad sa direksyon ng aming building.
Simula ng araw na yon ay hindi na kami masyadong nag-uusap ni Bryle, magkasama pa rin kaming nag-sisimba sa linggo pero malimit kaming mag-usap. Hindi ko alam pero feeling ko iniiwasan niya ako. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako iniiwasan, inisip ko na tungkol iyon sa naging pag-uusap namin tungkol kay Tyron, pero ilang araw pa ang lumipas ay napag-tanto ko na mali ang akala ko. Nag-lalakad ako sa koridor at papaliko na ng matigil ako, dahil pamilyar sa akin ang boses ng lalaki na nag-sasalita. May kausap itong isang babae… Si Bryle at si Meryl, ang Ms. Campus ng aming school, tulad ni Bryle nas first year college na ito. Palaging pinag-uusapan ang dalawa na may namamagitan sa mga ito, at sinisekreto lang ng mga ito. Nadamay pa siya sa usapan na para daw maitago ang relasyon ng dalawa kailangan daw ipakita ni Bryle sa ibang tao na magka-sama sila palagi para akalain ng mga tao na siya ang gusto ni Bryle. Medyo magulo nga, kung may relasyon nga ang dalawa, bakit pa kailangan itago ng dalawa ang relasyon? May iba namang nag-sabi na dahil daw, nirerespetong tao ang ama ni Meryl at hindi daw nito gustong nababalitaan na may nobyo na ang anak. At lalo pa raw ang mapapabalitang nagkakaugnayan sa isang walang direksyon sa buhay…Huh? Si Bryle walang direksyon sa buhay? Aba, sumosobra naman ang mga taong iyon, talo pa nila ang mga showbiz tsikero at tsikera. Pero walang sinasabi si Bryle sa akin tungkol sa isyu, at kung meron talaga itong ugnayan kay Meryl. Hindi ko rin naman gustong maki-alam, alam ko naman na hindi ko gustong marinig kung sasabihin nitong may relasyon nga ito at si Meryl. Hindi ko gustong makinig pero, bahala na…
“Akala ko ba malinaw ang usapan natin na hindi ka gagawa ng anumang hakbang na makakasira sa plano natin?” mariing tanong ni Meryl kay Bryle. Plano?! ano kaya yun?
“God, Meryl i’m trying my best! Pero ano ang gusto mo? Huwag na siyang kausapin, layuan siya? Hindi na nga ako halos mag-salita, na baka madulas ako at masabi ko sa kanya ang totoo. Masyadong mahirap ang ipina-pagawa mo.” galit namang tugon ni Bryle. hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nilang dalawa, kaya mas naenganyo akong makinig sa kanilang pag-uusap.
“Para rin ito sa ating dalawa Bryle, hindi ko gustong masira ang pag-titinginan natin ng dahil lang sa kung anong meron kayo ni Anne. Kailangan siyang turuan ng leksyon.” gigil na turan ni Meryl. Nagulat ako sa aking mga narinig. Ngaon alam ko na, kaya pala ako iniiwasan ni Bryle. Nahihirapan siya ng dahil sa akin, alam ko yon. Kung yon talaga ang gusto ni Meryl sege pag-bibigyan ko siya…para kay Bryle…Lumakad ako pabalik sa daang pinang-galingan ko. I need to get out of that place. Tumakbo ako, hindi ko alam kung saan ako tutungo, pero gusto ko lang tumakbo, dahil nasasaktan ako…
Linggo, heto ako, naka-higa at naka-tanaw sa kisame. Mag-sisimba kami dapat ni Bryle, pero hindi ko alam kung makukuha ko pang humarap sa kanya. Maga ang mga mata ko at isa pa, nakapag-desisyon na ako na ako nalang ang lalayo sa kanya. Tama si Meryl, magiging sagabal ako sa relasyon nilang dalawa, pero hindi ko pa rin mauha kung sa anong paraan…
Nasa ganoon akong posisyon ng biglang bumukas angpinto ng kwarto ko. At kapalaran nga naman kung mag-biro, akala ko nanaginip ako ng makita kongsi Bryle ang nakatayo sa bulwagan ng pinto. Tinitigan ko siya ng kahit ako di alam kung anong ekspresyon ang nasa mukha.
“Anne,” sambit nito sa pangalan ko. doon ako biglang nagising at bumalik sa kasalukuyan…Si Bryle nga…pero sandali, bakit nandito siya?
“Anong ginagawa mo rito?!” tanong ko at biglang naalala na naka-sando at shorts lang pala ako na walang bra. Napa-bangon ako, “Ano ba hindi kaba marunong kumatok?!” singhal ko sa kanya. Para naman itong nap-hiya, mukha tong batang paslit na nakayuko dahil nagka-sala.
“Sorry,” sabi nito, sabay talikod para bigyan ako ng oras para maitapis ang kumot sa aking katawan. Nang, matapos ako, hindi ko muna siya pina-harap sa akin, nag-sawa muna akong tingnan ang likod nito. Kahit naka-talikod, masasabi talagang gwapo ito. swerte si Meryl at siya ang napili ni Bryle.
“Ahm, Anne pwede na ba akong tumingin?” tanong nito.
“Sege, ano ba ang pakay mo?” pag-susungit ko sa kanya at bumalik ng upo sa gilid ng kama ko, habang ito ay hinila ang isang stool at iniharap sa akin at doon ito naupo. Sumeryoso ang mukha nito at ilang segundo munang tumahimik at pagkatapos bumuntong hininga ay ngumiti ito.
“Akala ko ba ay ma-sisimba tayo?” tanong nito, sa tuno ng naka-ugalian na nitong i-tuno sa kanya.
“Ha? hindi mo ba na-receive ang text message ko sa iyo, na hindi mo na ako saama sa’yo ngayong mag-simba?” tanong niya.
“Na-receive ko, kaso hindi mo sinabi sa akin kung bakit, nag-reply ako at kinontak ko pa nga ang number mo, pero naka-off naman, kaya minabuti ko na nalang na puntahan ka dito para malaman ko kung ano talaga ang dahilan mo?” mahabang paliwanag nito.
“B-bakit?” nauutal na tanong ko, hindi ako maka-paniwala sa dahilan nito para lang mag-punta ito sa bahay.
“Anong bakit?” takang tanong din nito.
“H-hindi ka naman nag-pupunta talaga dito ah. Dati naman ay okay lang sayo kahit sabihin kong hindi ako sasama s’yo sa pag-sisimba, hindi ka naman susugod para lang itanong kung ano ang dahilan ko…bakit ngayon-” hindi ko natapos ang sasabihin ko, dahil pinutol nito iyon.
“Anne!” sigaw nito, gulat akong napa-titig sa seryosong mukha nito.
“Nag-aalala lang ako sa’yo. Hindi na tayo masyadong nag-uusap nitong mga naka-raang araw. Hindi mo naman sinasagot ang mga text message ko sa’yo. Feeling ko iniiwasan mo ako.” sabi nito.
“Ini-i-iwasan? h-hindi ba’t iyon naman talaga ang gusto mo?” takang tanong ko kay Bryle.
Napa-tayo ito at nagulat, “Ano bang pinag-sasabi mo?! Bakit ko gugustuhin naiwasan mo ako?” galit na tanong nito.
“Bakit ka ba sumisigaw?!” ganti niyang tugon dito.
“At bakit hindi?! Bigla ka nalang nagkaka-ganyan at sinasabi mo pang gusto kong iwasan mo ako? Ano ba ang nangyayari sa’yo? Gusto mo pa ba akong maging kaibigan?!” Sabi nitong galit na galit, at umalis na. Naiwan akong, tulala pa rin na namagitang pag-uusap namin, hindi yata’t ako ang lumalabas na masama? Hindi ba’t totoo namang gusto niyang layuan ko siya. At nakuha pa niyang itanong kung gusto ko pa siyang maging kaibigan…
February, buwan ng pag-ibig…hay…
“Ane, halika! dali!” tawag ni Lexie sa akin…Lumapit ako sa kanila… Hindi pa nila alam kungano namagitang away sa amin ni Bryle, mag-iisang linggo na rin kaming hindi nag-uusap, hindi ko rin siya mahagilap na dumaan sa building namin. Kaya siguro ganoon nalang ako ka-obvious na malungkot sa mga kaibigan ko.
“Hoy, Anne ano ba ang nangyayari sa’yo, namatayan ka ba?” pag-bibiro ni Rhena. Ngumiti lang ako pero ngiting walang kislap sa mga mata.
“Nag-away ba kayo?” tanong naman ni Lexie sa akin. Tiningnan ko siya…nakuha naman siguro niya ang ibig kung sabihin kung paano niya nalaman ang tungkol doon.
“Napansin ko lang na hindi ka na sumasabay sa kanya sa pag-pasok at pag-uwi, hindi ko rin kayo nakitang nag-simba noong nakaraang dalawang linggo. At ngayon isa lang ang ibig sabihin kung bakit ka malungkot, may hindi nangyayari sa pagitan ninyong dalawa.” saad ni Lexie..
“Wala ito kunting tampuhan lang, normal lang naman talaga sa mag-kaibigan ang nagkaka-tampuhan kung minsan, wala ito. o ano pala ang sasabihin ninyo sa akin.” rason ko naman.
“Tungkol ito sa prom-” di natapos na pag-babalita ni Rhena
“Hindi normal sa inyong dalawa ang away natumatagal ng isang linggo. Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Nalaman na ba niya ang ang tinatago mong lihim?” pangungulit pa rin ni Lexie, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
hidi ako nag-salita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta bigla nalang akong napahagulhol at nag-tatakbo palayo. Bigla akong nabunggo sa isang katawan kaya halos mabuwal ako, kundi ako naagapan ng taong naka-bunggo sa akin. pilit akong tumayo, at inayos ang sarili ko, pinahid ang luha ko.
“Anne?” sambit ng lalaking nasa harap ko, si Bryle?! Siya ang naka-bunggo sa akin. Nataranta ako, umaksiyon akong lalayo, pero nahawakan niya ang kamay ko.
“Bitiwan mo ako,” sabi ko kay Bryle sabay bawi sa kamay ko na hawak niya. Pero mahigpit ang pagkakahawak ni Bryle sa kamay ko.
“Bryle, ano ba sabi nang bitiwan mo ako eh,” nakayuko kong sabi sa kanya, ayaw kong makita niya akong ganito. Hindi ko na napigilan pa ang luha ko, napahagulhol na naman ako. hinila ako ni Bryle palayo sa lugar na iyon, dinala niya ako ako sa playground ng school namin. Walang masyadong nag-lalaro sa mga oras na iyon dahil katatapos lang ng recess ng lower years…
Tumahan na ako, pero hindi ko pa rin makuhang mag-salita. Hindi rin naman nag-sasalita si Bryle. hindi ko alam kung bakt niya ako dinala sa lugar na ito.
“Anne, nasasaktan ako sa nakikita kong nangyayari sa’yo. Bakit hindi mo sabihin sa akin ang mga hinanakit mo? Mag-kaibigan pa rin naman tayo di ba?” sabi nito. Pinahid ko ang mga natitirang luha sa aking mga pisngi at naupo ako sa isa sa mga swing. Tahimik pa rin ako at nakayuko lang sa lupa. Hinanakit? Alam ba nito ang pinag-sasabi nito?
“Anne, bakit ba?! kausapin mo ako, kung galit ka sabihin mo, kung-”
“hindi ako galit sa’yo,” nasabi ko nalang.
“eh, ano, bakit nag-kakaganito ka, bakit bigla nalang nabago ang tingin mo sa akin?” tanong nito.
“Bryle, magka-ibigan pa rin naman tayo…” sabi ko sabay tingala at nasa mukhaang isang ngiti. Natahimik si Bryleat tinitigan lang niya ako. Nasa ganoong posisyon lang kami sa loob ng dalawang minuto, at bigla na lang, bigla siyang yumuko at inilapit ang mukha sa akin hanggang magtagpo ang aming mga labi. Nagulat ako, hindi nakakilos. Naging magulo ang isip ko…hinalikan ako ni Bryle! Nang matapos ang halik ay hindi ko makuhang mag-salita, hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Bryle.
“Magkita nalang tayo…” walang emosyong saad nito at umalis na. Naiwan na naman akong nakatulala sa ere. Litong-lito ang isip ko. Nabalik lamang sa kasalukuyan ang isip ko ng may mag-salita…si Meryl.
“Stupida ka, Anne.” sabi nito, naka-kunot noo ito. Siguradong nakita nito ang nangyari kanina lang sa amin ni Bryle, at baka susugurin siya nito.
“Meryl,” sambit ko sa ngalan niya. Kung aawayin ako ng babaeng ito ngayon, hindi ako lalaban, tatanggapin ko ang parusa niya. Naghintay ako sa gagawin niya, pero dumaan na angilang sandali ay hindi pa rin ito kumikilos sa kinatatayuan. Nang ibalik ko ang tingin ko sa lugar niya, paalis na ito. Bakit? Bakit hindi niya ako sinugod, wala lang ba dito ang nangyari sa kanila ni Bryle? Bigla niyang naalala ang sinabi nito.
“isa kang istupida, Anne”
Ano ang ibig sabihin nito? ito kaya ay tungkol sa halik? Na ibig sabihin wala lang kay Bryle ang halik na iyon?
Tumayo na ako at isang desisyon na naman ang nabuo sa isip ko. Kakalimutan ko na ang anumang nararamdaman ko kay Bryle.
Ang sumunod na araw ay parang wala lang nangyari. Sinundo ako ni Bryle sa amin ng umagang yon, gusto ko sanang tumanggi pero,
“Anne, pls. huwag mo naman bast na lang itapon ang pag-kakaibigan natin. Gusto kong ibalik sa dati ang lahat, gusto kong isa-normal ang lahat ng bagay sa pagitan sa ating dalawa.” sabi nito sa kanya. tama ito, yaman di lang na nakapag-desisyon na siyang kalilimutan na ang nararamdaman niya para dito, i-pofucos niya ang sarili niya sa kanilang pag-kakaibigan, at walang iba pa. Naging mabilis ang biyahe, nag-kwentuhan kami tungkol sa banda nila at mga walang kwentang bagay. Sa school naman ay nag-taka sina Lexie at Rhena kung bakit magka-sama na kami ni Bryle. Nginitian ko sila,
“Di ba sinabi ko naman sa inyo na simpleng tampuhan lang ang namagian sa aming dalawa ni Bryle,” salubong ko sa kanilang dalawa.
“Well, okay you’re right…” sabi ni Lexie. “So, meron kanang escort sa prom…” sabi i Rhena. Nakalimutan ko prom na pala namin next week, sa February 14.
“Don’t tell me, hindi si Bryle ang ka-partner mo sa prom?” Sabi ni Lexie.
“Ha? eh, hindi ko pa siya nasabihan.” sabi ko nalang…
“ikaw talaga, sabihan mo na baka maunahan ka ng iba.” biro naman ni Rhena.
“Sus, hindi na kailangan yon, siguradong si Anne pa rin ang pipiliin ni Bryle, at isa pa, hindi na niya kailangang mangamba, wala naman si Meryl sa prom night natin…” sabi ni Lexie. Ngumiti nalang ako, saka ko nalang po-problemahin ang bagay na iyan.
“lalala…la…la..la…hhmm…” Nadatnan ko si Bryle humihimig ng isang di pamilyar na kanta sa akin. Hawak nito ang gitara at sa kanang tenga nito ay may naka-ipit na lapis…Gumagawa ito ng isang kanta. Hilig na nito iyon simula nang matutu itong mag-gitara, maganda ang boses ni Bryle kaya nga maraming sumusubaybay sa banda nito. Linggo ngayon, at naisip kong ngayon na sabihin sa kanya na siya ang gusto kong maging kaparehas sa prom namin. Naging okey na rin ang relasyon namin sa ilang araw na nag-uusap na kami. Tumikhim ako para malaman niyang nandoon ako..
“Ahm, Bryle, busy ka ba?” tanong ko. Medyo kinakabahan ako, hindi pa rin naman kasi nawawala ang pagka-ilang ko sa kanya tuwing humihingi ako ng pabor, lalo na’t ganito kalaking pabor. Tumigil ito sa ginagawa at inilapag sa mesa ang gitara at lapis. Ngumiti ito at inalok akong lumapit at maupo.
“Ah, hndi na. May itatanong lang sana ako sa’yo, actually, hihingi ako ng pabor sa’yo.” sabi ko na nakatayo pa rin.
“Ano, yon, basta ba’t kaya kong gawin…” sabi nito at ngumiti na naman.
“Naalala mo yung pangako mo last year, na ikaw ang magiging prom date ko this year?” sabi ko, ngayon kinakabahan na talaga ako. tumayo si Bryle at napalis ang ngiti nito.
“Anne, ano kasi,” nahihirapang simula nito. Yon palang alam ko na, na hindi siya pweng maging date ko sa prom.
“May, napangakuan na kasi kaming tutugtugan ng banda ko this Valentine season, kaya wala ako dito sa day na iyon. Anne, i’m sorry.” sabi nito.
“Ah, Bryle. okay lang, naiintindihan ko…sege aalis na ako.” nasabi ko nalang at umalis ng mabilis. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko, basta paran gusto kong umiyak, nasasaktan ako. Oo nasasaktan ako, dahil hindi siya makaka-punta sa prom ko… Hindi ko napansin na tinawag pala niya ang pangalan ko, basta tumakbo nalang ako. Napansin ko nalang na nasa bubong na pala ako ng bahay namin. Tumingala ako, maganda ang gabi maanaag ang mga bituin sa kalangitan. Napaluha na naman ako,
“Bryle, bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ko masabi sa’yong matagal na kitang gusto? Alam mo bang ikaw ang first love ko?” napahagulhol na naman ako. At nanatili lang ako sa ganoong posisyon siguro isang oras din ang tinagal ng pag-iyak ko, bago ko naisipang bumaba…
Prom night…Here i am, with my best gown for the night, nakangiti pero sa kalo-luuban ng puso ko, napaka-lungkot ko. I’m still hopin na magkaka-roon ng isang himala, at bigla nalang bumulaga si Bryle sa pintuan at aayain akong sumayaw…haay…
“Anne, sigurado akong ikaw na ang mananalo bilang Ms. Prom Queen, this year!” eksaheradong saad ni Rhena…
“Hmmp, ano ka ba naman, eh may mas marami pang magaganda sa akin diyan noh..” sabi ko naman. Wala sa akin kung maging Prom Queen man ako o hindi, si Bryle lang ang gusto kong premyo sa gabing ito. Valentines day pa naman ngayon…
“And now, Ladies and Gentlemen, the moment you have been waiting for, it’s time to announce our Mr. And Ms. Prom of the night…” sabi ng announcer sa itaas ng stage. May ibang nag-hiyawan, ang iba naman ay nagbulong-bulungan. Haay, Bryle…Teka… kasama kaya ni Bryle si Meryl sa mga oras na ito? tanong ko sa sarili, Syempre noh?! eh mag-on na kaya ang dalawa. Sagot naman ng kabilang bahagi ng isip ko.
“Anne, tumayo ka na diyan, tinatawag na ang pangalan mo!” pukaw ni Rhena sa akin, naguluhan ako kaya napa- “Bakit?!” ako.
“Anong bakit, nanalo ka, ikaw ang Prom Queen, at si Tyron ang Prom King…Go! Get your crown friend..”sabi nito… Ngumiti naman si Lexie sa akin. “go on Anne, huwag mong sayangin ang gabing ito dahil lang saBryle na iyon. Sege na, lumakad kana…” at tinulak pa ako…Tama nga naman si Lexie… Umakyat ako ng stage, naghiyawan ang mga kakilala ko at iba pang mga ka-batch ko…
“And now it’s time for thier Royal dance” anunsyo ng speaker. inakay ako ni Tyron pababa ng stage. Nag-sayaw nga kami ni Tyron, pero ilang sandali lang dahil biglang tumigil ang musika…
“We have a surprise gift for our Queen, it’s from Mr. Bryle…ahm..yes from Mr. Bryle…let’s watch his vedeo…” Na-shock ako sasinabi ng speaker. At mas na-shock ako, nang biglang umilaw sa ibabaw na haraop ng stage. Si Bryle ang nasa vedeo, may hawak itong gitara, at naka-porma ang look nito…
“Anne, hi… I know you’re super surprise sa ginawa kong ito, but i’m not doing this just to great you a happy Valentines or Congrats, dahil i’m sure you have got the tittle of Ms. Prom Queen. Anne, i made this, dahil gusto kog iparating sa’yo ang matagal ko nang itinatago sa sa’yo at sa sarili ko. Anne, you might doubt at it pero totoo ang sasabihin kong ito sa iyo, MAHAL KITA…” Nag-hiyawan ang mga tao sa paligid pero, hindi ko inalisang tingin ko sa mukha ni Bryle, seryoso ito…Gosh!
“I have been loving you for so long now, i know we’re young but i’m sure that this is love i felt for you. You are so special to me Anne, at kaya ko hindi ipinaalam sa’yo dahil sinabi mo noon sa akin na ang pag-ibig ay hindi talaga nag-sisimula sa pagkakaibigan, at ayaw mong may kaibigan kang manliligaw sa’yo. hindi ko naramdamang mahal kita, dahil lang sa kaibigan kita, minahal kita dahil, ikaw ang katuparan ng babaeng isinisigaw ng puso ko, ikaw ang lagi sa isip ko, at sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo sa akin, iniingatan ko ito sa aking puso. Ang awiting ito ay para sa’yo…” Kinuha nito ang gitara at sinimulang tugtugin…
We’ve been together through the years as friends
but we have something special among the rest
we’ve been loving each other just within ourselves
and now i think this time is the best
to shout my love for you at the top of Mt. Everest
I’ve love you… since we’re fifteen or ten
i still remember the day we first met,
the rain is falling while we danced in the dirt
and i’ll never forget our first kiss…
the softest lips ive ever tasted and forever go crazed with
but above all else i’ll never missed your wish…
that i will never ever leave …and that’s a promise
from a friend, inlove …with you.
Pagka-tapos ng kanta ay napa-iyak na talaga ako, hindi ako maka-paniwala…Napaka-saya ko sa nalaman kong ito mula kay Bryle. Mahal din pala niya ako…ngayon sigurado na ako na wala ng hadlang sa aming dalawa. Nililipad pa rin ng kaligayahan ang sarili ko ng biglang, sumigaw si Rhena pasambit sa ngalan ko…
“Anne, si Angelo tumawag…si..si..Bryle i-s dead…” malungkot na balita nito. Napasinghap ang mga tao sa narinig, at ako, ang huling naalala ko ay bigla nalang dumilim ang paligid ko at hinila ng kadiliman ang buo kong ulirat…
Nang magising ako, napag-alaman kong nasa hospital pala ako, sa mismong pinag-dalhan kay Bryle…Nag-pumilit akong bumangon at pilt hinanap kung saan dinala ang katawan ni Bryle, naawa si Lexie sa akin at sinabing nasa chapel ng hospital ang mga labi ni Bryle…at doon nga nakita kung may kabaong sa loob ng Chapel at sa unahang upuan ay nandoon ang pamilya ni Bryle. Tumayo ang mommy ni Bryle at sinalubong ako. Nagyakap kaming parehong luhaan. Tinulungan nya akong lumapit sa kabaong ni Bryle…and there he is, lying inside that rectangular thing, lifeless…Hindi ako makapaniwala, na ganito ang magiging katapusan ng aming storya. Pilit kung ibinuka ang aking bibig upang tanungin kung paano siya namatay, pero ungol lang ang lumalabas sa aking bibig. Pero nakuha naman ng mama ni Bryle, at nandoon na rin sa tabi ko si Angelo, isa ito sa ka-banda ni Bryle…
“Nung gabi bago maaksidente si Bryle, nag-usap pa kami, at bigla nalang niyang sinabi na aalis siya, dahil kailangan ka daw niyang makita. He rode on is bike, pinigilan ko siya pero umalis pa rin siya…An hour later, may tumawag sa akin, naaksidente daw si Bryle… Ng makarating ako sa hospital, dead on the spot na daw siya…” Napahagulhol na naman ako, ako ang may kasalanan,
“ako ang may kasalanan…” hindi ko namalayan na nasabi ko pala iyon ng malakas. Bigla akong niyakap ng mahigpit ng mommy ni Bryle.
“Tita…i’m sorry…” sabi ko
“Shh…don’t say that..wala kang kasalanan…Don’t blame yourself…” sabi nito na hindi rin mapigil sa pag-iyak…
“I’m just so proud na ikaw ang minahal ng anak ko, Anne…” sabi pa nito. Niyakap ko nalang siya.
“Anne,” si Angelo…Tiningnan ko siya, may kinuha ito sa bulsa nito… isang bracelet iyon, inilagay niya sa kamay ko.
“Alam ko, balak niya iyang ibigay iyan sa’yo…” sabi ni Angelo at lumayo na…Tinitigan ko ang bracelet sa kamay ko. May nakalagay sa bacelet. Naka-ukit doon ang pangalan ko, ng binaliktad ko ang bracelet, may naka-sulat din doon, “Love ni Bryle”…Napangiti ako…ang ibig sabihin nun…”Anne, love ni Bryle…”
